Ginawa ko ng madalian ung pangalawang yugto.Dahil sa di maipaliwanag na kadahilanan, Lumiko,Gumulo,nawala sa linya ng gusto kong tumbukin.Disappointed ako...sobra,kaya di ko madugtungan at parang ayoko muna dugtungan. First kiss ko un sa isang guitarista na nakilala ko sa debut. Hindi dapat mapupunta dun eh..Pero dahil sinusubukan kong ilahad kung saan nagmula ang personalidad ko sa impluwensya ng mga bagay at tao sa paligid ko nung mga panahong nasa development stages ako.
shit shit shit... Sabaw ang utak ko. From the top please!!!
Dahil naumpisahan na itutuloy ko na din.
Tinanong nya kung may Bf na ako.. sabi ko di pa ako nagkaka bf. Ngumiti sya ng ubod tamis at parang mas nagpacute pa sya lalo. Kinikilig ako na di maipaliwanag.Nagtatalo ang isip ko at parang may dalawang boses na nagsasabing..
Unang boses : " lumalatod ka na ha..tssss..bata ka pa".
Pangalawang boses : " hayaan mo nga syang mag enjoy,lahat naman dumadaan jan,Kj to,epal."
Unang Boses : "Hindi ako Kj, gusto ko lang ipaalala sa kanya ang moral at bilang babaeng lumaki sa Pilipinas"..
Dahil sa mga naririnig kong mga boses,parang di ako mapanganak na pusa sa kakahila ay kakataas ng jacket na tumatakip sa legs ko.
"ok ka lang,sabi nya sakin..gusto mo ihatid na kita" at tumayo na din ako para magpaalam sa celebrant. Sabay sabay na kami pauwi kasama ung vocalist at ung friend ko. Apat kami sa Owner type jeep. Kay guitarist ung owner kaya dun ako sa unahan at ung dalawa sa likuran. Una namin ibinaba ung friend kong girl pero bumaba din si vocalist. Na iilang ako na natatakot,na kinakabahan,nakinikilig..halo-halong emosyon para sa katulad kong hindi na bata,pero alam kong hindi pa rin matatawag na matanda.
"stroll muna tyo,ok lang ba?"..tanong nya sakin pero hindi pa ako nkakasagot,iniliko na nya ang sasakyan at alam kong mapapalayo kami pag doon kami dumaan. Hindi ako umangal at parang mas nadadagdagan pa ang thrill na nararamdaman ko. andami ng tumatakbo sa utak ko pero isa lang ang wish ko ng oras na un. (gusto ko sana mag toothbrush muna,kung pwede lang).
Sa ilalim ng malaking puno,sa isang madalim na bahagi ng kalsada sa Sta. Maria Bulacan. Sa ilalim ng Buwan,sa tabi ng mga tindahan ng paputok. Niyakap nya ako at hinalikan. Itinuro nya sakin kung paano makipag usap ng hindi gumagamit ng salita. Konting haplos at pisil sa aking katawan. Umuwi na kami.
"hindi na ako bata"... paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko.
Mas naging interesado na ako sa opposite Sex. Gusto ko ng kilalanin ang mga species na ito na may kakayahan palang pabilisin ang tibok ng puso ko.
Madami na daw nagbabasa ng blog ko? Sana hindi dahil sa sexy na Profile pic ko...hahaha,hanep sa advertisement!
Sunday, December 12, 2010
Wednesday, November 24, 2010
Kumpisal ni Pamela: (ikalawang yugto)
Ang Pamilya,Kapaligiran,Eswkelahan, Midya at Internet ay ilan sa mga malalaking bagay na nakaiimpluwensya sa paghubog ng isang indibidwal. Nakuha ko ang ilang ugali ng nanay ko na medyo negatibo tulad ng padalus dalus na desisyon,biglang pag buhos ng galit at gastador. Nakuha ko naman sa tatay ko ang malalim na pag unawa sa mga bagay bahay.May naging bestfriend din ako when i was 15 yrs.old, mas matanda sya sa akin ng 3 taon kaya kadalasan sya ang nagpapakilala sakin sa mga bagay na bago sa aking WALANG MALISYANG ISIPAN. Kaya nagpapasalamat ako sa kanya. =P
Mas naging close ko ang bestfriend ko na kapitbahay namin kaysa sa mga kaklase ko sa eskwelahan. (wala kasi akong hilig sa pag-aaral noon) Mataba,singkit at half chinese ang bestfriend ko. Hs ako at College na sya that time.Para syang lalake kumilos pero hindi sya tibo.Kaya nagaya akong magdamit sa kanya,mahabang shorts at maluwang na t-shirt ang kadalasan kong suot.
Natapos ko ang HS na walang problema at wala masyadong thrill hanggang sa mag College na ako. Mas malaking mundo,mas madaming tao,mas magulo at sabi ko sa sarili ko..Mag eenjoy ako neto. Wala ako masyadong kaimikan nung una,mukha daw kasi akong tibo.Pero nung nakaroon na ako ng mga barkadang babae,natuto na akong mag ayos at magpanggap na babae.lol
Seventeen ako,Second year college.Na invite kami sa Debut ng classmate namin. Sinabi ko sa Bestfriend ko,sabi nya sakin mag ingat daw ako.wag daw ako makipag inuman pag madaming lalake. Sabi ko,bakit naman,madami naman kami. first time kong mag attend ng ganun ka bonggang party. Di ko alam ang susuotin ko that night. Wala akong Magandang damit, kasali pa naman ako sa 18 candle. Last minute,naka hiram nanay ko ng dress.Di ko na isinukat, naligo na agad ako. Pagsukat ko ng damit, potaeness,ang ikli! Pagtuwad ko sa Jeep,siguradong masisilipan ako. Aw! ayoko na sana tumuloy. o kaya magpapantalon na lang ako. Ok naman daw sabi ng bestfriend ko,magmumukha daw akong tanga pag nagpantalon ako. Pangiti ngiti lang sya at natatawang di ko maintindihan. Tanong ako ng tanong kung,panget b? tumatawa lang.
Mabuti na lang madami kaming magkakasama pagdating sa party,lusaw na lusaw ako sa hiya. lagi ako sa sulok hanggang matapos ang ceremony. Pagkatapos ng pormalan,may live band naman. Kanya kanyang mesa ng inuman. Sa mesa namin 4 lang kaming babae at dalawang lalake.
Pagkatapos tumugtog ng live band, bumaba na yung mga banda at sa mesa namin sila dumeretso. Magkatabi kaming babae at sa magkabilang gilid namin umupo ung vocalist at guitarist. Si guitarist ang nasa tabi ko.( lusaw to the max) Pakilala sila samin then kwentuhan. gwapo ung vocalist pero parang bangkay,maputla kasi sya at payat. Si guitarist naman,medyo maliit pero sya ang pinaka cute para sakin,ang pula kasi ng lips nya. After a while nagpaalam ung ibang band member pero naiwan sya sa mesa namin. Pinatay na din ung ibang ilaw kaya medyo madilim na sa pwesto namin. makwento sya kaya medyo na at lease na din ako. Umusog pa sya ng mas malapit sakin,kantyawan ang mga gagung barkada ko. gusto ko na magtago sa sobrang hiya. wew...
Habang tumatagal,mas lumalambing ang boses nya sa pagtatanong sakin ng kung anu ano. Tumayo sya saglit para kunin ang jacket nga sa loob tapos inabot sakin.malamok daw kasi.imbes sa katawan ko isuot,pinantakip ko sa legs ko. Mas lalo tlga dumidikit sakin,pansin ko lang,then naramdaman ko na lang he held my hands under the table.nung kanya kanya ng usapan.May ibinulong sya sakin.
Wednesday, November 10, 2010
Kumpisal ni Pamela..unang yugto.
Eto n,ang dati ay nasa guni-guni ko lang.. isasalin ko na sa mga letra at salita. Bahala na... Hinga ng malalim. Isang kurap pa.. at eto..unang putok.
Sino ako? di ko rin alam. Gumigising ako araw araw. tumitingin sa salamin... at tatanungin ang sarili ko. Sino ka ba?
Base sa matagal naming pag uusap ng sarili ko gabi gabi... eto ang sabi nya.
" ambastos mo tlga!"
" pero ambait mo naman, pinautang mo ung kabit bahay na buraot, uto -uto!!!
" antamad mo today,muntik ka ng di naligo,ewww,gross"
" ambobo mo sa sfeling"
" hindi ka maputi, wala ka lang dugo"
" bumibili ka ng gulay,dahil naaawa ka sa nag titinda,shunga k tlga"
"ilang beses mo ng napanood nung movie na "anak", paulit ulit mong iniiyakan,amft"
"gang ngayon iniisip mo pa rin na di ka mahal ng tatay,ano ka ba...matanda k n!"
Yan lang pinag uusapan namin ng utak ko,at karamihan ng sinasabi nya... dinededma ko lang.
Magulo ba ako? ganoon nga... magulo ang utak ko. Pero pinipilit kong maging normal na tao araw araw.Kaya kong harapin at kausapin ang sinoman ng may tiwala at kumpyansa sa sarili maging sa aking mga gustong sabihin at puntuhin..
(ng hindi nila nakikita ang kabilang mukha ng aking pagkatao)
multiple personality, a very rare psychological disorder in which a person has two or more distinct personalities, each with its own thoughts, feelings, and patterns of behavior. The personalities often are direct opposites and dominate at different times, with abrupt transitions triggered by distressful events or memories. Each may be entirely unaware of the other but aware of unexplained gaps in remembered time. In psychiatry the condition is known as dissociative identity disorder. The term "split personality," refers to an unrelated disorder in which the split (separation) is between thought and feeling.
Naranasan mo na bang makarinig ng dalawang bulong sa iyong tenga.. ang isa ay mapagbumbaba,takot, mahiyain,at matiisin, Ang isa ay agresibo,palaban,domenante at sarkastiko.
Unang beses kong pinagtuunan ng pansin ang kakaibang personalidad na meron ako. Dahil alam kong lahat ng tao ay may kanya kanyang lihim na dapat ingatan. Pero eto na. panahon na para buksan ang kaisipan at pag usapan ang ano mang lihim na meron ang bawat isa.
Mahaba pa ang lalakbayin ng usaping ito. Nakahanda ako sa ano mang panlilibak na aanihin ko sa mga mapagmataas na uri ng indibidwa. NAKAHANDA NA AKO.
Sa mga taong nagmamahal sa akin na nakilala ko lamang sa maigsing panahon. Wag nyo akong iiwan,ni iiwasan ay wag nyong tatangkain... kelangan ko kayo...kelangan ko kayo.
...itutuloy.

Subscribe to:
Comments (Atom)