Wednesday, November 10, 2010

Kumpisal ni Pamela..unang yugto.

Eto n,ang dati ay nasa guni-guni ko lang.. isasalin ko na sa mga letra at salita.  Bahala na... Hinga ng malalim. Isang kurap pa.. at eto..unang putok.

Sino ako? di ko rin alam.  Gumigising ako araw araw. tumitingin sa salamin... at tatanungin ang sarili ko. Sino ka ba?

Base sa  matagal naming pag uusap ng sarili ko gabi gabi... eto ang sabi nya.

" ambastos mo tlga!"
" pero ambait mo naman, pinautang mo ung kabit bahay na buraot, uto -uto!!!
" antamad mo today,muntik ka ng di naligo,ewww,gross"
" ambobo mo sa sfeling"
" hindi ka maputi, wala ka lang dugo"
" bumibili ka ng gulay,dahil naaawa ka sa nag titinda,shunga k tlga"
"ilang beses mo ng napanood nung movie na "anak", paulit ulit mong iniiyakan,amft"
"gang ngayon iniisip mo pa rin na di ka mahal ng tatay,ano ka ba...matanda k n!"

Yan lang pinag uusapan namin ng utak ko,at karamihan ng sinasabi nya... dinededma ko lang.
Magulo ba ako? ganoon nga... magulo ang utak ko. Pero pinipilit kong maging normal na tao araw araw.Kaya kong harapin at kausapin ang sinoman ng may tiwala at kumpyansa sa sarili maging sa aking mga gustong sabihin at puntuhin..

(ng hindi nila nakikita ang kabilang  mukha ng aking pagkatao)

multiple personality, a very rare psychological disorder in which a person has two or more distinct personalities, each with its own thoughts, feelings, and patterns of behavior. The personalities often are direct opposites and dominate at different times, with abrupt transitions triggered by distressful events or memories. Each may be entirely unaware of the other but aware of unexplained gaps in remembered time. In psychiatry the condition is known as dissociative identity disorder. The term "split personality," refers to an unrelated disorder in which the split (separation) is between thought and feeling.

Naranasan mo na bang makarinig ng dalawang bulong sa iyong tenga.. ang isa ay mapagbumbaba,takot, mahiyain,at matiisin, Ang isa ay agresibo,palaban,domenante at sarkastiko.

Unang beses kong pinagtuunan ng pansin ang kakaibang personalidad na meron ako. Dahil alam kong lahat ng tao ay may kanya kanyang lihim na dapat ingatan. Pero eto na. panahon na para buksan ang kaisipan at pag usapan ang ano mang lihim na meron ang bawat isa.

Mahaba pa ang lalakbayin ng usaping ito. Nakahanda ako sa ano mang panlilibak na aanihin ko sa mga mapagmataas na uri ng indibidwa. NAKAHANDA NA AKO.

Sa mga taong nagmamahal sa akin na nakilala ko lamang sa maigsing panahon. Wag nyo akong iiwan,ni iiwasan ay wag nyong tatangkain... kelangan ko kayo...kelangan ko kayo.

...itutuloy.

1 comment: