Mas naging close ko ang bestfriend ko na kapitbahay namin kaysa sa mga kaklase ko sa eskwelahan. (wala kasi akong hilig sa pag-aaral noon) Mataba,singkit at half chinese ang bestfriend ko. Hs ako at College na sya that time.Para syang lalake kumilos pero hindi sya tibo.Kaya nagaya akong magdamit sa kanya,mahabang shorts at maluwang na t-shirt ang kadalasan kong suot.
Natapos ko ang HS na walang problema at wala masyadong thrill hanggang sa mag College na ako. Mas malaking mundo,mas madaming tao,mas magulo at sabi ko sa sarili ko..Mag eenjoy ako neto. Wala ako masyadong kaimikan nung una,mukha daw kasi akong tibo.Pero nung nakaroon na ako ng mga barkadang babae,natuto na akong mag ayos at magpanggap na babae.lol
Seventeen ako,Second year college.Na invite kami sa Debut ng classmate namin. Sinabi ko sa Bestfriend ko,sabi nya sakin mag ingat daw ako.wag daw ako makipag inuman pag madaming lalake. Sabi ko,bakit naman,madami naman kami. first time kong mag attend ng ganun ka bonggang party. Di ko alam ang susuotin ko that night. Wala akong Magandang damit, kasali pa naman ako sa 18 candle. Last minute,naka hiram nanay ko ng dress.Di ko na isinukat, naligo na agad ako. Pagsukat ko ng damit, potaeness,ang ikli! Pagtuwad ko sa Jeep,siguradong masisilipan ako. Aw! ayoko na sana tumuloy. o kaya magpapantalon na lang ako. Ok naman daw sabi ng bestfriend ko,magmumukha daw akong tanga pag nagpantalon ako. Pangiti ngiti lang sya at natatawang di ko maintindihan. Tanong ako ng tanong kung,panget b? tumatawa lang.
Mabuti na lang madami kaming magkakasama pagdating sa party,lusaw na lusaw ako sa hiya. lagi ako sa sulok hanggang matapos ang ceremony. Pagkatapos ng pormalan,may live band naman. Kanya kanyang mesa ng inuman. Sa mesa namin 4 lang kaming babae at dalawang lalake.
Pagkatapos tumugtog ng live band, bumaba na yung mga banda at sa mesa namin sila dumeretso. Magkatabi kaming babae at sa magkabilang gilid namin umupo ung vocalist at guitarist. Si guitarist ang nasa tabi ko.( lusaw to the max) Pakilala sila samin then kwentuhan. gwapo ung vocalist pero parang bangkay,maputla kasi sya at payat. Si guitarist naman,medyo maliit pero sya ang pinaka cute para sakin,ang pula kasi ng lips nya. After a while nagpaalam ung ibang band member pero naiwan sya sa mesa namin. Pinatay na din ung ibang ilaw kaya medyo madilim na sa pwesto namin. makwento sya kaya medyo na at lease na din ako. Umusog pa sya ng mas malapit sakin,kantyawan ang mga gagung barkada ko. gusto ko na magtago sa sobrang hiya. wew...
Habang tumatagal,mas lumalambing ang boses nya sa pagtatanong sakin ng kung anu ano. Tumayo sya saglit para kunin ang jacket nga sa loob tapos inabot sakin.malamok daw kasi.imbes sa katawan ko isuot,pinantakip ko sa legs ko. Mas lalo tlga dumidikit sakin,pansin ko lang,then naramdaman ko na lang he held my hands under the table.nung kanya kanya ng usapan.May ibinulong sya sakin.