Una kong nakilala ang mundo ng internet...ako'y isang mang mang at nangangapa. Pinilit kong intindihin ang mga bagay bagay sa loob nito ng hindi nagtatanong o nagpapaturo sa ibang tao..Late bloomers kc ako kumbaga,kaya nakakahiyang mang abala ng ibang mas bata sakin. Wala akong pakay don kundi makisabay lang sa uso.Hindi ko inaasahan na maraming bagay ang maaring ituro sakin nito.Matagal na stock ang utak kong wala naman masyadong laman simula ng tumigil ako sa pag aaral kaya nman naging isang hamon din ito para sa akin.
Maraming web site akong napuntahan at nabasa..pero nahumaling ako sa chatroom. Bakit? dahil wala ng mas interesanteng pag-aralan,kalikutin at laruin kundi ang isipan ng mga taong makikila sa loob ng computer.
Unang sabak ko sa chatroom.
Ako : Hi po,ako po c Anne,Babae,tubong Bulacan
(korny,hindi pumatok)
Nagbasa na lang ako...at humanap ng tiyempo para makasabay sa usapan.Pero na shock ako ng konti.Brutal pala at depinidong hindi angkop sa mga bata ang napasukan ko. Natawa lang ako.at nagsimulang mag enjoy sa pagbabasa ng mga maiinit na komento sa chatrum.
Mga ilang linggo pa muna bago ako nakasabay sa bilis ng takbo ng room. Kasabay non ang pagkakaroon ng mga kaibigan,kabiruan...at kahalayan.Nakita ko kung paanong nagkakaroon ng relasyon ang mga tao dun.
Minalas lang ako sa una kong subok na magkaroon ng Fafa sa net. (nyeta).
Isang call centre ang buena mano ko.Matalinong bata.magaling magdala ng usapan..kaya nman,without knowing him deeper..kinarir ko na rin.
He also my first heartbreak. ( bobo pa kc ako nun,swerte lang nya)
After ng unang trial and error. natuto akong makisakay na lang. Naputol ang pantasya ko na may totoong nagkakatuluyan sa internet. All are in disguise.Sabi ko sa sarili ko. di na ako papauto...di na ako papaloko......tang ina nyo.
Nagising ang demonyo sa utak ko.You have it inside you too.
itutuloy. (parang komiks ampotha,dami kc gawa eh..churi nman)
ahahah..nice ending sis!ang cute!omg..dapat masundan na ito..ahehehe..so excited :P
ReplyDeletehaha sis. susundan ko yan agad!
ReplyDelete