Sunday, December 12, 2010

Ikatlong Yugto ( First Kiss)

Ginawa ko ng madalian ung pangalawang yugto.Dahil sa di maipaliwanag na kadahilanan, Lumiko,Gumulo,nawala sa linya ng gusto kong tumbukin.Disappointed ako...sobra,kaya di ko madugtungan at parang ayoko muna dugtungan. First kiss ko un sa isang guitarista na nakilala ko sa debut. Hindi dapat mapupunta dun eh..Pero dahil sinusubukan kong ilahad kung saan nagmula ang personalidad ko sa  impluwensya ng mga bagay at tao sa paligid ko nung mga panahong nasa development stages ako.

shit shit shit... Sabaw ang utak ko. From the top please!!!

Dahil naumpisahan na itutuloy ko na din.

Tinanong nya kung may Bf na ako.. sabi ko di pa ako nagkaka bf. Ngumiti sya ng ubod tamis at parang mas nagpacute pa sya lalo. Kinikilig ako na di maipaliwanag.Nagtatalo ang isip ko  at parang may dalawang boses na nagsasabing..

 Unang boses : " lumalatod ka na ha..tssss..bata ka pa".
Pangalawang boses : " hayaan mo nga syang mag enjoy,lahat naman dumadaan jan,Kj to,epal."
Unang Boses : "Hindi ako Kj, gusto ko lang ipaalala sa kanya ang moral at bilang babaeng lumaki sa  Pilipinas"..

Dahil sa mga naririnig kong mga boses,parang di ako mapanganak na pusa sa  kakahila ay kakataas ng jacket na tumatakip sa legs ko.

"ok ka lang,sabi nya sakin..gusto mo ihatid na kita" at tumayo na din ako para magpaalam sa celebrant. Sabay sabay na kami pauwi kasama ung vocalist at ung friend ko. Apat kami sa Owner type jeep. Kay guitarist ung owner kaya dun ako sa unahan at ung dalawa sa likuran. Una namin ibinaba ung friend kong girl pero bumaba din si vocalist. Na iilang ako na natatakot,na kinakabahan,nakinikilig..halo-halong emosyon para sa katulad kong hindi na bata,pero alam kong hindi pa rin matatawag na matanda.
"stroll muna tyo,ok lang ba?"..tanong nya sakin pero hindi pa ako nkakasagot,iniliko na nya ang sasakyan at alam kong mapapalayo kami pag doon kami dumaan. Hindi ako umangal at parang mas nadadagdagan pa ang thrill na nararamdaman ko. andami ng tumatakbo sa utak ko pero isa lang  ang wish ko ng oras na un. (gusto ko sana mag toothbrush muna,kung pwede lang).

Sa ilalim ng malaking puno,sa isang madalim na bahagi ng kalsada sa Sta. Maria Bulacan. Sa ilalim ng Buwan,sa tabi ng mga tindahan ng paputok. Niyakap nya ako at hinalikan. Itinuro nya sakin kung paano makipag usap ng hindi gumagamit ng salita. Konting haplos at pisil sa aking katawan. Umuwi na kami.

"hindi na ako bata"... paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko.

Mas naging interesado na ako sa opposite Sex. Gusto ko ng kilalanin ang mga species na ito na may kakayahan palang pabilisin ang tibok ng puso ko.
















Madami na daw nagbabasa ng blog ko? Sana hindi dahil sa sexy na Profile pic ko...hahaha,hanep sa advertisement!

1 comment: